Friday, April 9, 2010

Ako ang Na-Salvage Ngayon.

Literally, alam natin na 'pag sinabing 'salvage', pinatay ka sa napakabrutal at hindi makataong pamamaraan. (ang pagpatay ay hindi makatao)

Pero, ang ibig kong sabihin ay, na'salvage ako. Nasalvage ang pagkatao ko, ang iniingatan kong ego at pride. Bumalik sa akin ngayon ang madalas kong ginagawa, ang mapaglaruan nang hindi sinasadya.

Sa totoo lang, alam ko una pa lang ng relasyon namin na ako ang magiging 'talo' bandang huli. Ramdam ko na ako ang maghahabol, ako ang matatapakan ng 'ego', ako ang mababasagan ng 'pride'. Kaso, wala akong ginawa. Hinayaan ko na mangyari ang ganoong bagay dahil sa isang salita na kinasusuklaman ko. 'MAHAL'. Mahal ko ung taong un eh, sabay kamot sa ulo.

Palibhasa malandi,(hindi ko pwede sabihin na maganda ako kaya niligawan niya ako, kasi silang mga lalaki lang ang nagsabi nun, hindi ang nanay ko,ok)pagkatapos ng isang bigong relationship with 'Papa Bear', may isang lalaking panay ang aligid sa akin. Sa totoo lang, siya nga ata ang dahilan at ang bagay na nag'udyok sa akin para hiwalayan si 'Papa Bear' nun. Dahil sa pangungulila ko sa kaibigan, napalapit ako nang husto sa lalaking iyon. Palagi kami sabay na kumakain ng lunch sa morayta, at palagi niya ako sinasamahan sa computer shop na madalas kong tambayan noon (sa kasamaang palad, nagsara siya ilang araw matapos ang klase sa kolehiyo). Palagi rin kami magkasama sa tapat ng admission office, at kahit nakaupo lamang at minsan pa'y hindi kami nag'kakapalitan ng aming saloobin, pakiramdam ko (namin daw, sabi niya)na kumpleto na ang araw.

Nagpatuloy kami nang paganon ganon lang hanggang matapos ang araw ng pasukan sa kolehiyo. Alam ko hindi muna kami magkikita kasi sabi niya, bakasyon daw. At malamang, kung magkita man kami, sa pasukan ng summer class. Sa totoo lang, masaya na ako sa sinabi niyang iyon. Pero alam ko sa sarili ko na nakukulangan ako. Kung natulad lang iyon kay ex, alam ko ang sasabihin no'n ay magkita kami kahit sa mall lang at para lang tumambay, maglakad lakad, kumaen kina mcdo, o kung susuwertehin e manood ng sine. Kaso hindi ko narinig iyon sa kanya. At hindi ko alam, kung ako lang ang hinihintay niya na mag'suggest ng ganon sa kanya, o sadya lang na ayaw niya.

Sa nangyari na iyon, alam ko na talaga. Alam ko na ako ang maghahabol sa lalaking iyon. Sabagay, naisip ko, hindi ba eto 'yung sinasabi ko kay princess noon (kaibigan at ka'blockmate ko sa JO1A), na mas gusto namin na kami ang naghahabol, kami ang umiiyak, at kami ang nasasaktan. Kasi, pag naramdaman namin ang mga ganoong bagay, alam namin na mahal namin ang taong iyon. Siguro nga, tama sa bahagi ko. Pero sa bahagi ni lalaki, alam ko na hindi niya nararamdaman ang mga ganoong bagay dahil natitiis niyang hindi magpaload o makitext para lang maipaabot niya ang kanyang simpleng 'good am' sa akin sa pag'gising niya sa umaga. Alam ko, na hindi niya ako ganun kamahal. Hindi ako ganun kahalaga sa kanya. Pero ok lang sa akin, ang mahalaga mahal ko siya. At nagkatotoo ang nauna ko sinabi noon, sana matutunan ko naman ang magmahal.

Natutunan ko nga ulit, kaso masakit. Hindi ko alam kung karma ito, pero kung ito iyon, sana hanggang ganito na lang 'yung sakit. Hanggang ngayon hindi ko maintindihan kung bakit nagbibigay siya noon sa akin ng oras, pero ngayon ni katiting ng pinapakita niyang pagpapahalaga sa akin, hindi ko na maramdaman. Parang palagi na lang sira ang araw ko dahil alam ko kulang na at wala na ang dating siya. Basag na basag ang pride ko, at halos luray luray na basahan na kung sisipatin ang aking ego. Ang laki ng pinagbabayaran ko sa ginawa ko sa mga taong hindi ko sinasadyang nasaktan dahil sa pagmamahal sa akin.

Sana totoo na lang na na'salvage ako. Mas matatanggap ko ang pakiramdam nang sinalvage ka dahil sa pagtataksil sa isang samahan, kesa masalvage na nananatili kang buhay at nalulugmok sa kalungkutan. Masakit, sobra. Hindi katanggap-tanggap.

Thursday, March 25, 2010

BITTERNESS; You may go,now

Paborito ko etong lines ng mga professor ko sa college,’you may go now’. Naisip ko, akala ko simple lang ibig sabihin no’n, akala ko iyon bang ‘o siya, mga magigiting na mag-aaral,magsihayo na kayo para sa inyong susunod na asignatura’. Hindi pala. Kalaunan,naintindihan ko ang isa pang kahulugan na pumapaloob sa mga katagang iyon.

Gabi noon. Ramdam ko ang bigat ng aking pakiramdam dahil na rin nakakapagod na araw ko sa aming pamantasan (sa silangan),naramdaman ko ang biglang pag’beep ng aking cellphone. Dahil sa aking kuryosidad sa kung sino man ang magiting na tao na nagpadala sa akin ng mensahe (pero kung tutuusin, marami talagang nagtetext sa akin) at nang makita ko ang pangalan ng taong itinuturing kong napakalapit sa akin noong mga panahon na iyon, agad kong binasa at inunawa ang kanyang mensahe.

“bhabe,break n tau,auko na,”

Iyan ang nakasulat, at naramdaman ko ang pagkagulat sa kanyang sinabi. Sa loob loob ko, hindi dapat ako masaktan, dahil unang-una, nangyaring naging kami dahil na rin sa kagustuhan kong mabago ang tingin ng tao sa akin, na hindi ako manhid at higit sa lahat, marunong din ako makipag’boyfriend pagkatapos ng matagal na panahon. Dahil doon, ang tangi ko lamang nasabi sa kanya ay ang katagang ’salamat, ikaw ang masusunod’. Pero,maya maya lamang ay bigla siya sumagot ng ‘anu ka ba bhabe, alam mong hindi ko gagawin na makipag’hiwalay sa iyo. Mahal na mahal ‘ata kita’. Magalang ko rin naman siyang sinagot nang ‘ok sige sabi mo e’.

Matapos ang araw na iyon, nagpatuloy ang pagiging malamig ko sa kanya (oo, kaya niya nasabi iyon kasi naging malamig ako sa kanya dahil sa parehong rason na hindi ko nararamdaman ang anuman na nararamdaman niya). At naging malupit din ako sa kanya, tulad na lang na palagi ko siya kakausapin bago mag’umpisa ang aming klase sa Filipino 101 pero pagpasok sa klasrum na ubod ng lamig ay nararamdaman din niya na hindi ko na rin siya kakausapin pa. Nagpatuloy ang mga ganoon kong pakikitungo sa kanya hanggang sa isang araw, naramdaman ko na may inulit na naman siyang pagkakamali. Alam ko, ramdam ng mga kaibigan ko na masama ang loob ko sa kanya kaya binantaan ko siya na ibabalik ko sa kanya ang sinabi niya noon sa akin. Alam ko natakot siya sa sinabi ko na iyon kaya marahil nagpasya na siya na lumayo muna sa akin. Dumating ang gabi. Alam ko tulad ng pagsapit ng gabi, alam ko sasapit n din ang tuluyang pagdilim ng bukas para sa aming dalawa.

‘this is the last tym i’ll use the term famili bear .. salamat’

Iyan ang sinabi ko sa aking gm sa lahat ng nakisama sa amin (may mini group kami no’n,family bear siya at kami ang tumatayong haligi at ilaw nila).

Kinabukasan,nakita ko ang sandamakmak na mensahe sa aking cellphone at halos iisa ang tanong, ‘zai, anung nangyari?’. At mayroon siyang isang mensahe sa akin,’ sige sana masaya ka sa ginawa mo n iyan, pero heto ang tatandaan mo,hindi kita minahal,pinaglaruan lang kita’.

Hindi ko alam ang dapat na maging reaksyon ko sa sinabi niyang iyon. Natamaan ako sa ibang dahilan. Naisip ko, ako dapat ang nagsasabi sa kanya ngayon niyan, ako dapat ang nagsasabi na hindi kita minahal, pinaglaruan lamang kita. Gusto ko sana ibalik sa kanya ang sinabi niyang iyon pero pinairal ko pa rin ang aking diplomasya. Ang tangi lamang nasabi ko sa kanya, ‘marahil napaglaruan mo nga ako, pero may isang bagay na hindi mu nagawang saktan, ang puso ko. Nagawa mu man paikutin at tapakan ang ego ko, wala n ako pakialam doon. Unang una, ako ang may kasalanan. Hindi ko inisip na maaaring maging bitter ka sa mga nangyari sa atin. Pero ngayon, heto nga’t pinangangalandakan mo sa mundo na hindi mo ako minahal kahit na naliligo ka na noon sa pawis sa kakahanap sa akin sa buong pamantasan ng silangan, at pinaglaruan mo nga talaga ako kaya nagawa mo magsinungaling sa akin para makuha mo lamang ang loob ko, bukod pa sa nagmukha ka pang tanga sa kakahanap sa amin sa buong kalye ng gastambide para lamang makita ako. Iyon nga ang nakipaglaro at hindi nasaktan.

Kundi na’salvage ng buong buo, hindi lang ego, kundi ang damdamin mo. Kung noon pa lang naisipan mo ba na magsabi ng totoo ‘di sana’y natutunan pa sana kitang mahalin. At ngayon naisip ko, eto na ba yun, eto na ba yung natutunan ko sa unang beses na pagtapak ko sa kolehiyo, ang mga katagang palagi kong hinihintay na banggitin ng aking mga dalubguro upang matapos na ang buong araw ng klase at makauwi na sa aming tahanan, nagamit ko na nga ba?

‘You may go,now,

but please, don’t feel bitter about this’

Eh kaso mukhang ako na naman ang kulprit dito, ako na naman ang mali. Ako na naman ang nakasakit ng damdamin at higit sa lahat, ako pa ang dahilan ng pagsilang ng bitterness sa kanyang dibdib. Wala akong nararamdamang guilt sa nangyari, iyan ang palage kong pinapasok sa isip ko. Hindi dapat, kahit na alam kong kahit sinong makabasa nito ay ako ang sisisihin. Pero hindi niyo naman alam ‘yung iba pang kwento kung bakit, dahil kung sasabihin ko pa iyon dito, maaaring panibagong kwento na naman siya. Sa ngayon heto muna. At pagkatapos nito, gagawin ko na ang aking sulatin para sa dalubguro na unang nagkintal sa isipan ko ng mga katagang iyon.

At marahil, pagkatapos nito, matutunan ko na sana ulit magmahal ng totoo.